Bad Hair Day

Mahangin sa labas?

Grabe naman yung pagkakulot ng buhok mo, wagas.

Nagkasalubong tayo minsan, palabas ako ng library, papasok ka naman. Nagulat ako sa pagkabuhaghag ng kulot mong buhok.. as in mas kulot pa sa buhok ko sa kili-kili.. pag pinahaba. Bwahaha!

Ayun nga, balik tayo sa ‘yo.

 

Kapansin-pansin naman talaga ang kulot mong buhok. Pero hindi ito tamed. As in buhaghag. Siguro BHDΒ (Bad Hair Day) ka lang nung isang araw. Stress sa ilang buwang pag-aaral.

Kahapon, nakita ulit kita.Β Umupo ka sa harap ko, gawing kaliwa ng konti. Nauna ko sayo kaya napansin ko ang pagdating mo. E sa harap ko talaga ikaw pumwesto, hindi ko ba naman mapansin e magkakadikit lang ang mga upuan.

Binaba mo yung bag mo. Naglabas ng gamit: hand-out, calculator, pencil, libro.. Sabay kabit ng headset sa cellphone.

Tapos naglabas ka ng headband. Isinuot sa iyong buhok at hinawi mo ito na halos hanggang kalahati ng iyong ulo. Ta-dah!! Biglang umayos ang buhok mo. Katapat ng headband ay milagro. Maganda na tingnan (sa tingin ko). At naapuhap ko na rin ang bahagi ng iyong mukha, este ulo.

Matangos pala ilong mo. Maganda ang anggulong nakita ko. Hindi ka ganon kaputi pero hindi ka rin naman maitim. May bling-bling na diamond sa kaliwangΒ tenga at medyo mahaba ang mukha mo. Mukha kang payat dulot na rin ng moss green at gray stripes na cardigan.

Siguro napansin mong may tumititig sayo sa bandang likuran kaya tumingin ka sa bandang kanan. Agad ko namang pinikit ang aking mga mata sabay dasal na hindi mo sana nakita ang pagtitig ko sayo sinta.

 

Matapos ayusin ang astig mong buhok, nilagay mo na ang headset sayong tainga, namili ng trip mong kanta at sabay yugyug ng konti, yung may pagpipigil ba.

Tapos, niyuko mo na ang ulo mo at sinubsob ang sarili sa pag-aaral.

At naalala ko bigla: ako’y nag-aaral rin pala! Hala sige, balik na! Hahaha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s