I Crush You

Para sa mga crush kong hindi nila alam.

Para sa mga sikretong sulyap at patagong ngiti tuwing nakikita ko kayo.

Para sa inyo na ni minsan (sana) ay hindi niyo nahalatang crush ko kayo.

Ang blog post na ito ay para sa inyo.

Bigla ko lang kayo naisip.

Isa-isa.

Ikaw na may mala-angel na boses at nakakahawang pananaw sa buhay. Gustong gusto kong mapalapit sayo ngunit paano? Hindi kita kayang kausapin. Kontento nakong makita kang masaya.

Ikaw na kahawig ng paborito kong karakter sa pelikula pag inangguluhan. Maliit ka ngang naturan ngunit malaki naman ang iyong puso para sa mga kabataan. Ikaw na yata ang pinakamatagal kong crush. Nung nagkasalubong tayo at tinawag mo ang pangalan ko, para kong ice cream na natunaw sa tuwa at kaba. Kilala mo pala ko. Haha!

Ikaw na may nakatutunaw na ngiti. Natuwa ka kamo kung paano ko kayo ginabayan noon. Nakakataba ng puso na may nagbunga sa aking pinaghirapan. Ngunit bakit tila ang turing mo saki’y nakatatandang kapatid? Nadurog ang puso ko nung nagkaroon ka na ng kasintahan. Ish! Bakit kasi? Hindi mo man lang ako napansin?

Ikaw na may minamahal ng iba na hindi ka naman kayang panindigan. Sa tuwing makikita ko yung mapungay mong mata at maliit mong ilong, napapangiti ako. Bakit kaya hindi ako ang napansin mo? Siguro hindi mo ko tipo. Haha. Kahit hindi dapat ay naiinis ako sa mahal mo. Kay sarap niyang kutusan dahil sa mga pinaggagagawa niya sayo. Ngunit hindi maari. Hanggang dito lang ako sa buhay mo. Hindi ko rin naman nais manghimasok.

Ang mga crush ay crush lamang. Hindi naman ako dumadamove para mapansin niyo di ba? Hindi ko rin kayo kinausap, ni naglakas-loob itext o yayain gumala. Kasi nga conservative ako. Haha.

Ayoko rin magkacrush sa marami ng nagkakacrush dahil ayoko ng may kaagaw.

Ako lang din ang nakakaalam kung sino kayo. Hindi ko sinasabi kahit kanino kasi una, ayokong mag level up sa love yung crush ko sa inyo at pangalawa, ayokong makarating ito sa inyo. Alam niyo na, may pakpak ang balita at may tenga ang lupa. Haha!

At dahil wala namang nagbabasa ng blog na ito bukod sa tatlong tao: me, myself and I, naisipan kong ilathala ang matagal ng bumamalakid sa isip ko: kayo. πŸ™‚

Huwag mag-alala. Hanggang sa isip ko at blog na ito lang kayo kaya alam kong wala namang patutunguhan ito. Kung sakaling mag assume kayo na isa kayo sa crush ko, hanggang assume lang naman kayo. Haha!

Oh well, ’til next time crush!

Advertisements

6 thoughts on “I Crush You

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s