Me Want Chocolates!

Bigyan mo naman ako ng chocolate hindi dahil araw ng mga puso bukas kundi dahil gusto ko lang.

Bigyan mo naman ako ng chocolate kahit hindi balentayn.

Bigyan mo naman ako ng chocolate dahil naisip mo ‘ko at dahil gusto mo lang akong sumaya.

Bigyan mo naman ako ng chocolate dahil alam mong paborito ko ‘to at talagang matutuwa ako kung bibigyan mo ‘ko nito.

Bigyan mo naman ako ng chocolate hindi dahil binigay ‘to sayo kaya okay lang din na ipamigay mo.

Bigyan mo naman ako ng chocolate ng walang kapalit at hindi binibilang kung ilang beses na rin kitang nabigyan nito.

Bigyan mo naman ako ng chocolate ng hindi tumitingin sa presyo kundi dahil gusto mo lang akong pasayahin.

Nakakamiss yung may magbibigay sayo ng chocolate dahil wala lang. Gusto ka lang niyang bigyan.

Nakakamiss yung nandedekwat ako ng chocolate sa drawer ng opismeyt ko kasi marami siyang nakatago dun na ayaw niya ipamigay sa akin.

Nakakamiss yung nanraransack ako ng chocolate sa isa ko pang opismeyt dahil naghohoard siya para ipasalubong sa bunso niyang kapatid.

Nakakamiss yung kinukuha ko yung share ng isa ko pang opismeyt sa chocolate kasi hindi naman siya mahilig dito. (Seriously? Why are there people who don’t want chocolates? Why??)

Nakakamiss nung binigyan ako ng isang tao ng isang box na puno ng pinakapaborito kong chocolate sa loob! Hindi lang isa, kundi maramiiiii!!

Nakakamiss yung makikipagkita ako sa isang tao tapos pag uwi ko punong puno ng chocolate yung bag ko kasi nilipat niya lahat nung chocolate niya sakin.

Nakakamiss yung pag uwi ng isang tao galing trabaho, pag gising ko may hawak siyang chocolate at inabot niya sakin.

Nakakamiss yung pag sasabihin ko sa isang tao na gusto ko ng chocolate, pupunta siya ng store at bibilhan niya ko agad agad.

Nakakamiss yung may pasalubong na chocolate galing ibang bansa yung kamag-anak namin at naghohoard ako ng napakarami pero mauubos ko rin naman sa loob ng isang araw.

Nakakamiss kaaway yung ate ko sa hatian ng chocolate at nagnanakawan kami ng chocolate sa ref.

Nakakamiss yung mga pasalubong ng tatay ko na chocolate na may almond tapos tinitira ko yung almond kasi gusto ko chocolate lang. Tapos kakainin ng nanay ko yung almond kasi sayang daw. (Pero ngayon gusto ko na rin ng chocolate na may almond kasi mas masarap pala. Yeah, signs of aging.)

Nakakamiss yun lahat.

Haaayy! Makabili na nga lang!

Advertisements

2 thoughts on “Me Want Chocolates!

  1. […] Chocolates. On my first job, I made a gross mistake. My manager called and gave me a warning. After the call, I was shaking and very afraid—I cannot smile; my head so down; and I cannot face anybody. My officemate gave me a chocolate cupcake and called it a happy hormone. It indeed made the rest of my day happy. Since then, I call chocolates: Happy Hormones. […]

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s