Ayoko Ng Magmahal Kung Ganon

Kay bigat ng mga paa.
Hindi maihakbang kahit isa.
Kay bigat ng mga puso.
Hindi makahinga.

Hanggang saan ang dulo ng kinasakdalan.
Hanggang kailan magwawakas ang pag iyak ng ibong tila nagapos sa parang.
Hanggang kailan maaring huminga ng hindi napapagal.
Hanggang saan aabutin ang pagtitimpi at pagmamahal.

Sa mga panahong akala mo’y mahal mo siya at mahal ka niya.
Gagawin ang lahat at magtutulungan sinta.
Ngunit bakit masakit na parang karayom na ipinipisil
Ang mga gawa niya at pagmamakaawa

Sa mga panahong hindi mo nais magsalita
Gusto lamang damahin ang pangungulila
Sagot nga ba ang mga nagtatalasang wika
Upang lagyan ng hangganan ang kung saan siya at kung saan ka

Hindi nais manakit
Pipiliin mo nalang bang manahimik?
Kahit sa kaibutura’y nasasakal
Ang puso’y pagal, nauupos at parang sinasakal

Pagmamahal nga bang maituturing
Ang hindi niya pagtupad ng mga tungkulin
Ang patuloy na pagtapak sa pisi ng hindi at wala
Ang pandidikdik sa mga mahal mong alam mo ring wala

Pagmamahal nga bang maituturing
Ang lumaban at hindi sumang ayon
Ang magsalita at mamukol
Ang magsabi ng nilalaman ng pusong lamlam ang tugon?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s