Ulan

Biglang bumuhos ang ulan. Kaya bigla ko rin naisip magsulat.

Malakas ang pagbuhos ng ulan pero bigla rin naman itong humihina. Siguro umulan na rin kanina bago ako dumating kasi basa yung kalye na dinaanan ko. Buti nalang nakauwi na ako bago pa man ito bumuhos muli.

Nagtatalo ang isip ko kung magsusulat ba ‘ko gamit ang tamang gamit sa wikang Filipino o sa saliw ng wika ng makabagong lipunan.

Nabasa ko dati na dapat ay “consistent” ka raw sa istilo ng pagsusulat mo. Pero ngayon halo-halo na yung sinusulat ko. Kaya nakakalito. Siguro nahihilo ka na noh? Saan nga ba patutungo ang akdang ito? Minsan lalalim sa tagalog; minsan naman napaka-slang. Kahit sa pagsusulat nalang hindi ko pa kayang maging consistent.

Pero ang topic ko talaga ay ulan. Gulo.

Sisimulan ko na.

Nalulungkot ako kapag umuulan dati.

Madalas kasi mag-isa ako sa bahay kapag umuulan. Makulimlim sa labas. Hindi ako makapaglaro. Mag-isa lang ako sa bahay tapos nawawalan pa madalas ng kuryente. Hindi ako makapanood ng TV. Hindi ko rin alam kung bakit tuwing umuulan ay wala ring linya yung telepono sa lugar namin kaya hindi ako makapagtelebabad. Nakatanghod lang ako sa labas ng pinto at pinapanood ang ulan habang pumapatak ng walang tigil at buong lakas sa labas ng bahay namin.

Tapos nung minsan pa, akala ko lulubog sa baha yung bahay namin nung umuulan dahil mistulang may talon ng umaagos na tubig mula sa sirang kisame sa may bandang kusina at unti-unting namumuo bilang lawa.

Paano yung ref? Hindi ko kayang buhatin, baka mabasa.

Yung balikbayan box ng tatay ko galing Saudi mababasa.

Yung saksakan aabutin ng tubig ulan baka makuryente ako.

Iyak ako ng iyak habang humihingi ng saklolo.

Narinig naman ako nung kapitbahay kaya tinulungan ako.

Kaya ayun, takot ako ‘pag umuulan.

Malungkot din. May kakaibang kalungkutan kasing hatid ang ulan para sa akin. Masarap tumingin sa kawalan at damhin ang lungkot ng iyong kalooban.

Pero marami ring masasayang alaalang dulot ang ulan.

Madalas kami maligo sa ulan at maglaro ng habulan kasama yung mga kababata ko. Ginagawa ko pang shower yung butas na alulod na puno pala ng tae ng pusa at ihi ng daga. Yikes. Iniipon ko rin yung tubig sa gilig ng kalsada gamit yung makapal kong tsinelas saka ito sabay sabay pakakawalan. Gumawa rin ako ng bangkang papel at pinaanod sa gilid ng kalye.


Umuulan din nung tumawid ng kalsada galing mall para habulin ang bus pauwi. Basang basa kaming umakyat ng aircon bus at pareho kaming nangangatog sa lamig. Wala kaming payong.

Umuulan nung naiwan ng Β kasama ko yung tsinelas niya dahil inanod ng baha at hindi niya naramdaman hanggang makatatlong hakbang siya. Natawa nalang ako kasi habol habol niya yung tsinelas na inagos ng baha. Basang sisiw kaming sumakay ng tricycle pagkatapos.

Umuulan nung tumambay kami sa Chokis habang umiinom ng paborito naming Iced Tea na ubod ng sarap at kumakain ng Devil’s Cake at nagkwentuhan tungkol sa napakaraming bagay at nanuod ng pelikula gamit ang mumunting telepono.

Umuulan nung naglalakad kami pauwi galing sa basketbol court kung saan naglaro siya at kanyang barkada. Bumili kami ng soft drinks at chips sa tindahan habang umuulan at tumatakbo pauwi.

Sana marami pa akong ulan na pagdaanan kasama ang mahahalagang tao sa buhay ko. Malungkot man ang hatid nito minsan, basta kasama ang mga taong mahal mo, kakayanin naman. πŸ˜‰πŸ˜πŸ˜„

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s