Lupang Hinirang


Kakaibang tuwa at pagkamangha ang naidudulot sa akin tuwing inaawit ang Lupang Hinirang.

Hindi tulad noong nasa mababang antas ng paaralan pa na halos hindi ko na pansinin ang palatuntunang ito ng paaralan tuwing umaga.  Ngayon ay hindi ko na ito ginagawa araw-araw.  Tanda ito na ako’y tapos nang mag-aral. Hindi naman ito inaawit tuwing umaga bago magsimula sa pagtatrabaho.

Kung kaya’t sa tuwing ito’y inaawit, aking sinisiguro na ihinto ang anumang gawain, tumayo ng matuwid, ilagay ang kanang kamay sa aking dibdib at umawit ng may pagmamalaki.

Ako’y isang Pilipino, sa isip, sa salita, at sa gawa. Hindi naman maipagkakaila sapagkat taglay ko ang ilan sa katangiang tatak Pinoy–pangong ilong at kayumangging balat. 😂😂

Ngunit wala na akong mahihiling pa. Ipinagmamalaki kong ako’y isang Pilipino!

Mabuhay!

Kuleta: Hindi ko maaring itanggi na hindi ako gumamit ng diksiyonaryo. Napakahirap panindigan ang paggamit ng Wikang Tagalog sa isang buong talata. Ngunit hindi ito hadlang upang hindi ko ito maisulat. Maligayang Linggo ng Wika!

Advertisements

5 thoughts on “Lupang Hinirang

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s