Screw 22!

Bitter lang sa number na yan, pasensya na.

May isa akong kaibigan, yan ang paborito naming numero. April 22, 2004 kasi kami naging matalik na magkaibigan. So sabi niya tuwing 22 ipagdiriwang namin ang aming pagkakaibigan. Yes, ganun kami ka-clingy. For the longest time, I learned to love that number. I smile and celebrate every time I see the 22nd of the month pass. I used it as an ATM pin; pass code sa smartphone; username sa chat; password sa PC log-in at sa marami pang bagay na pwede isiksik yung number na yan. Clingy to the highest level.

Kaso sa ‘di inaasahang pagkakataon nag-away kami ng matindi. Yung away na wala nang batian. Yung away na hindi na magkakaayos. Yung away na hindi mo inakalang mangyayari. Yung away na hindi mo lubos maisip kung paano naganap. Yung away na nakakapanghinayang. Yung away na nalipasan na ng panahon at hindi na nakapag-ayos pa. Yung away na sana hindi nangyari. Yung away na nakakababa ng pride. Yung away na manghihiram ka ng mukha sa aso.

Mula 2012 hanggang ngayon, natutulala pa rin ako kapag nakakakita ako ng 22.

Sa umaga pag hindi pa ko makatulog, at magbubukas ako ng  phone: 2:22 am

Sa hapon, sa office, pag magchecheck ng phone: 2:22 pm

Yung battery ng phone ko: 22%

Sa gabi kapag nasa tricycle pauwi at mag checheck ulit ng phone kung may nagtext: 10:22 pm

Sa biyahe kapag traffic, may nakahintong kotse, plate number: UVB221

Nung minsang ginawa kong military time yung oras sa phone ko: 22:00

Nung final pre-board namin, wala akong masagot, nakita ko yung date: April 22

Nitong buwan lang: October 22

Lahat nalang may 22. Pwede ba???? Pwede ba pakidelete na yan sa tala ng mga numero? Pwede bang after 21, 23 na agad???? Pwede bang pakilubayan ako??

Anlala ko ‘no?

Ilang taon na ang nakalipas, may kurot pa rin. Kung kelan akala ko okay na. Kung kelan akala ko tanggap ko na. Kung kelan akala ko tapos na.

Sabi nila, time heals all wounds. 2015 na o. Antagal na nun. Pero bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat?

PS: This post has been sitting in the drafts folder for the longest time and since I decided to make my thoughts known through this blog (that nobody reads aside from my inner self and a few friends), I decided to publish it, hoping that I will not die.

Advertisements

6 thoughts on “Screw 22!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s