When You Lost Something Valuable

I don’t wear too much accessories kasi hindi ko naman napapanindigan.

Nabibigatan ako sa relo, sa bracelet, sa singsing. Kapag may suot ako nito, hinuhubad ko kapag nasa office at nagtatrabaho. Seriously, mabigat sila at sagabal sa pagtatype.

As much as possible, stud lang na earrings ang suot ko.

But when someone give me an accessory, I wear it everyday hanggang masira, or mawala.

Unfortunately, most of the time, nawawala. And I can’t just forgive myself pag nangyayari yun.

Naaalala ko nung nawala ko yung hikaw na bigay ng tatay ko, yung singsing, yung relo. Nangyari sa iba’t-ibang panahon. Nung bata pa ko at wala pang pake sa pera, hindi ko inisip na “ay ang mahal pala nung singsing na nawala ko.” Ngayon kumikita na ko ng sarili kong pera at nakakabili ng alahas, saka ko lang naisip na, “ay teka, bakit ko nawala yun???” Ang mahal pala ng alahas. At relo. Pero nawawala ko lang. Ang galing ko e.

Kahapon lang, nakawala na naman ako ng isang bagay na bigay sa akin.

Gabi na nang napansin kong wala na yung kwintas ko. Pagtingin ko sa salamin ng bus habang nakatayo pauwi, nakita ko yung reflection ko sa salamin. Nagandahan ako sa sarili ko kasi nakapustura ako kagabi. Tapos bigla kong napansin na wala akong suot na kwintas. Nagflashback sakin lahat nang nangyari nung araw na iyon mula sa paggising hanggang nung mga oras na iyon.

Dala ko siya. Lagi. Nilalagay ko sa bag para lagi ko masuot pag aalis.

Nakakabit yung hikaw sa kwintas para hindi mawala. Nasuot ko yung hikaw pero hindi yung kwintas. Mahusay.

Baka naiwan ko sa taxi nung umaga kakamadali.

O baka naman sa bus?

Hindi ko maalala kung saan nawala.

Hinalungkat ko yung bag ko at umaasang andun yung kwintas pero wala.

Wala akong nakita. Wala na talaga yung kwintas at tuluyan na akong iniwan.

Ganon na lang ba talaga ako kadaling iwanan?

Chos.

Until now, masama pa rin ang loob ko kasi wala na yung kwintas na itinuturing ko nang parte ng katawan ko. Parang nakahubad na yung leeg ko pag wala yun.

Pero ganon talaga, minsan kelangan mo na lang tanggapin na wala na ang isang bagay at hindi na babalik pa.

Para sa nagbigay nung kwintas, sorry. Sorry talaga. 😦 Ganito talaga ko, masanay ka na. Bigyan mo nalang ako ulit, ha? Pero di ko mapapromise na hindi ko ulit mawawala. 🙂

Advertisements

3 thoughts on “When You Lost Something Valuable

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s