Emoterang Puso

10499115_1439144353026822_184007578_n

Hanggang kelan magiging manhid ang pusong ito sa mga sinasabi mo? Masakit parin kasi tuwing inuungkat mo. Hindi madali. Hindi maganda pakinggan. Basta ang alam ko, nasasaktan ako at nahihirapan.

Kapag ba sinabihan ka ng:
“ampanget mo!”
Babalewalain mo nalang?
O masasaktan ka?

O gagantihan mo ng:
mas panget ka!”

Kapag ba sinabihan ka na:
wag ka masyadong umasa, lilipas rin yan,”
hindi ka na ba talaga aasa kahit na lahat ng pagkakataon e hinihikayat kang umasa?

Kahit gaano ko sabihin na:
“Ok lang yan. Wag mo na masyadong isipin. Mangyari na ang dapat mangyari. Lumipas na ang dapat lumipas.”
Sa dulo, masakit pa rin.

Natututunan bang maging manhid ang puso? Na kapag sinabi mong,
“ganyan talaga, wala namang permanente.”
E wala ng epekto at hindi ka na tatablan?

Ang default response ba ng puso mo e magkibit balikat na parang walang narinig, tanggapin ang katotohanan at magfocus sa kung anong meron sa kasalukuyan?

Kung oo ang sagot mo diyan, ang galing mo naman. Pwede magpatutor sayo?

Kahit anong pilit ko kasi, hindi ko maiwasang masaktan tuwing babanggitin mo ang wakas.

May nabibili bang anesthesia pampamanhid para kapag sinabi mo ‘to e wala nang dating sakin?

May ginagawa ka bang magic trick para madali mong masabi na, ano ka ba, dapat matutunan mo ng tanggapin yan kasi mangyayari at mangyayari rin naman yan.

May iniinom ka bang pills para hindi maiyak at masaktan at madali lang para sayo na sabihing ang sensitive mo naman.”

Huwag mo namang ipagkait sakin ang masaktan. Huwag mo naman sanang sabihing sensitive ako at napakaiyakin. Yun kasi talaga ang default response ko tuwing napaguusapan ang wakas. Kapag kasi hindi ako nasaktan, ibig sabihin manhid na ko. Matakot ka kapag hindi nako nasasaktan at naiiyak kasi ibig sabihin wala nang dating kung umalis ka man o hindi sa buhay ko.

Ang pag alis mo, o ng kahit na sinong tao na importante sa buhay ko, ay kahit kelan, hindi naging madali para sa mga taong tulad ko. Kailangan kong masaktan at umiyak kasi parte na yan ng pagkatao ko. Alisin mo yun at hindi na ako ito.

Wag ka mag alala. Di naman ako malulugmok sa ganito. Sa dulo. Babangon naman ako at dudurugin kita matatanggap ang lahat. Matatanggap ko, parte ‘to ng buhay na kailangan kong harapin.

Wag ka mag-alala. Hindi naman ako nag iisa. Sa dulo, ang kapasidad kong mabuhay ay hindi naman nakadepende sayo. Meron akong Diyos na mahal ako at mahal ko rin. Mas matimbang parin naman siya kesa sayo.

Wag ka mag-alala. Ok lang naman talaga ko. Emotera lang talaga ang kaibigan mo. Importante ka kasi sa kanya kaya siya ganyan sayo. Pero sa dulo, kapakanan mo pa rin naman ang iniisip nito. Umalis ka man, yan ay dahil makakabuti sayo. So suportado ka nito, mismo.

Kahit anong mangyari, kaibigan mo parin naman ako. Kahit nasaang panig ka pa ng mundo.

xoxo

260314 | jrlzn


I’ve written this two years ago to organize my thoughts about the possibilities of ending a relationship. It is never easy for me to unlearn clingyness and mushyness specially when I’m too attached to a person. This write up was not inked on actual paper but just remained in my email draft folder. If you are wondering what happened to our relationship, well, it changed or I might as well say, it grew. We are not as clingy and mushy anymore but we still remain best of friends. We know deep within that ours is a friendship so true and trustworthy. We just choose to be more open and seasonally passive. I can also say that this experience has taught me a lot of things about life and relationship. It allowed me to see my own selfishness and lack of boundaries in relationship for the nth time.

Advertisements

8 thoughts on “Emoterang Puso

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s