Ang Pinakamatagal Na Tatlumpung Minuto

IMG_7967
The sun sets faster than our 3o-minutes.

Ang pinakamatagal na tatlumpung minuto
Yun na yata
Sa buong buhay ko
Yun na nga

Ang maghintay sa wala
Ni katiting na pag-asa
Sa tayo at bukas
At sa pangarap na sabay nating binuo

Ang makinig sa bulong
Na tila hangin na nga lang
Na sinisigaw ng puso mo
Na wasak at basag

“Hindi ko kaya..”
“Hindi ko kayang mawala ka.”
Paulit-ulit kong binabasa
Sa labi mo

Alam ko
Masakit
Mabigat
Nakakapanlumo

Dinaan ko na nga lang sa tula
Ang kaduwagan ko
Na harapin ka
At yakapin sa bisig ko

Kung dati ay tila kay bilis
Nang limang oras
Gabi-gabi
Tuwing tayo’y magkasama

Ngayon bakit anong pait
At sukdulan ng bagal
Ang pag usad ng bawat segundo
Habang nakatitig ako sa mga mata mo
Sa loob ng tatlumpung minuto

Advertisements

7 thoughts on “Ang Pinakamatagal Na Tatlumpung Minuto

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s