Nung Bata Pa Ako

 

Pinto Ng Nakaraan
Pinto Ng Nakaraan

 

Nung bata pa ako
Akala ko
Pwede ako magpalit ng pagkatao
Pwede akong lumipat ng ibang katawan
At makita ang mundo sa mata ng iba

Gusto ko makita ang mundo
Sa mata ng aso namin
Na nakatali sa gate
At kumakahol ng napakalakas
Sa kung sino mang dumaraan
Sa harap ng bahay

Gusto ko malaman
Ang nararamdaman ni mama
Kapag dumarating siyang tulog ako
At umaalis akong tulog siya
Ano kayang pakiramdam
Na marinig ako
Sa telepono
Tuwing pinapauwi ko siya
Na dapat may araw pa
Pero minsan niya lang magawa
O kapag nangungulit ako
Na sumama
Sa outing ng opisina
Na hindi pwede ang bata

Gusto ko rin makita ang mundo
Sa mata ni papa
Na hindi kami kasama
Mula pagkabata ko hanggang magdalaga
Anong nararamdaman niya?
Hindi ko siya kilala
Maliban sa boses sa telepono
At ilang sulat para kay mama
Na nakatago sa aparador
Sa loob ng kahon ng sapatos

Ano kayang pakiramdam ni Ate
Nung tinawag ko siyang “baboy”
At naghampasan kami ng walis tambo
O nung binigyan niya ako
Ng napakasarap na otap
Na niluto nila ng mga kaibigan niya

Nang malaman kong hindi ito pwede
Nalungkot ako
At nanghinayang
Sa isang mata ko lang makikita
Ang mundo
Lahat ng nararamdaman ko
Ay akin lang
Hindi ko makukumpara
Sa nararamdaman niya
Ang lahat ng makikita ko
Ay sa pananaw ko lamang
At hinding hindi ko makikita ang mundo
Sa anggulong kinatatayuan niya

Pero hindi naman pala ibig sabihin non
Ay hindi ko na pwede maintindihan
Ang nararamdaman niya
O isantabi
Ang pananaw ng iba
Dahil nakatutok lang ako
Sa pananaw ko

Gusto ko ulit maging bata
Lahat pwede
Lahat posible
Walang limitasyon
Malawak ang imahinasyon
Samahan mo ako mangarap ulit
Maari ba?

Advertisements

3 thoughts on “Nung Bata Pa Ako

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s