O Irog Ko

Aking Irog,
Bakit?
Kahit anong pilit kong lumayo
Ay hinahabol mo pa rin.

O kay kulit
Ng mga hangin
Na dumadampi sa aking pisngi
At pilit ibinubulong
Na ako, kahit ubod ng dumi
Ay tanggap mo pa rin

Kahit saan magtungo
Ay nakasunod
Ang pagmamahal mong
Alay ang buwan at mga bituin

Tunay na kay rikit
Ng bukang liwayway
Nagsusumigaw ng pag-ibig mo
Irog, bakit ako?

Paano mo nagawang mahalin
Ang isang tulad ko?
Na isang butil lamang ng buhangin sa dalampasigan
At isang patak ng tubig-alat sa karagatan

Hinanap mo
Sa masukal na kagubatan
Sa gitna ng gabi
Tinawag mo
Kahit maputol ang litid kakasigaw
Na mahal mo ako

Marahan mong ibinubulong
Na ako ay para sa iyo
Ngunit nirespeto mo ang paglisan ko sa piling mo
Upang ialay sa iba ang puso ito

Hinanap ko sa kanya ang kalinga at yakap
Na akala ko’y mas mainam kaysa sayo
Hinayaan ang sariling mahulog
Sa mabulaklak niyang pananalita
At matabang na pagmamahal

At nang iniwan ako ng taong pinag-alayan ko ng buong mundo
Matapos nito wasakin ang puso ko
Kanino ba ako tumakbo?
Hindi ba’t sayo?

Umiiyak.
Lupaypay ang puso ko nang pinulot mo
At pinahiran muli ng pagmamahal
Na buhay at hindi nauubos

Tila batis sa kagubatan
Na kahit tikman ay matamis
Malamig at nakakawala ng pagod
Magtampisaw kahit ilang ulit

Walang bahid ng panunumbat ang mga tingin mo
Nakikisimpatya sa pagdurusa ko
Hinawakan mo ang aking kamay
Na nagsasabing naiintindihan mo ako.

Yun ang araw na naintidihan ko
Ang lawak at lalim ng pagmamahal mo
Na walang ibang makahihigit sayo
Kaya salamat
At hindi ka bumitiw, O Irog ko

Ang pusong ito
Ay para sa iyo
Turuan mo ako
Magmahal ng tulad ng iyo
At mahalin ka ng buong buo
Hanggang sa makapiling kita, O Irog ko.

  

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s