Hindi Na Kita Mahal

2014-07-12-01-47-06

Hindi na kita mahal.
Oo, nasasabi ko na ngayon.
Hindi na kita mahal.

Hindi ko na hinahanap ang text mo tuwing umaga.
Hindi ko na pinag-aaksayahan ng oras na intayin ang reply mo buong araw.
Hindi na ko kumakaripas ng takbo para lang sagutin ang tawag mo.
Hindi ka na rin siguro napapagod kasi matagal ka nang hindi tumatakbo sa isip ko.

Kaya ko nang hindi makita ang pangalan mo sa inbox ko
Kaya ko nang hindi marinig ang boses mo
Kaya ko nang hindi ka kasama sa mga gala
At kaya ko nang maglakad mag-isa
Sa masukal na daan
Tuwing gabi

Hindi na kita iniistalk sa Facebook
Twitter, o IG
Kahit pa WordPress mo hindi ko na binibisita
Kasi wala na, wala ka nang dating sa buhay ko

Kaya ko nang makita kang masaya
Na hindi nag-e-emotional breakdown
At sabihing: “Dati ako ang katabi mo,
At ang dahilan kung bakit ka masaya.”

Kaya ko nang tawanan ang nakaraan
Ang bawat pag-iyak mula nung iniwan mo ko
Nang biglaan, parang pusang niligaw sa talahiban
Kasi nakaka-istorbo na sa kasalukuyan mo

Kaya ko nang tawanan ang katangahan ko
Ang pagmamakaawang balikan mo ako
At sabihing sana:
“Ako na lang, ako na lang ulit..”

Ang sarap pala sa pakiramdam
Na malaya na ako
Sa iyo
At sa galit ko.

Akala ko hindi na darating ang araw na ito
Akala ko hindi ko kayang mabuhay na wala ka
Pero kaya naman pala
Kaya ko naman pala talaga.

Advertisements

10 thoughts on “Hindi Na Kita Mahal

  1. That’s good. I find it heartbreaking to see a girl being heartbroken, and I know that while you are hurting, no words can console you at that moment. None. but I know it will get better in time. It will not hurt as much, and soon, it will disappear, ENTIRELY….. I can guarantee that. Getting a new haircut will help. ^^”

    Liked by 1 person

    • Thanks Ren!! It gets better in time. I agree. That’s why I was able to publish this post because it doesn’t hurt that much anymore. But wait, what’s with a new haircut that it actually feels good when you are heartbroken?? 😁😊

      Liked by 1 person

      • Actually, you get anew haircut when you’re done hurting…. go to the salon, get a style that really, really fits you , and if you can add some color streaks , that would be awesome…. then , afterwards, with a brand new do, flick your hair and say, hello, world. Then go and shop for nice pair of loop or chandelier earrings that fit your new image ,especially with the color streaks in your hair, a hobo canvas bag, lipstick and mascara, bam !

        Liked by 1 person

      • #startingover #cleanslate #the returnofthecomeback haha ang jologs nung huling hashtag. Anyway, I might try that chandelier earrings as I haven’t worn one yet. Haha thanks Ren!

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s