Solo Travel And Fake Foodie Blogger

IKEA DXB! Ito na ang pinakamalayo kong solo travel since I came here sa UAE. Haha!

Let’s feast in this swedish meatball with mashed potato and gravy na walang strawberry jam kasi ubos na raw. Tatlong araw na raw silang walang stock. So ako nalang raw ang mag-adjust. Tutal, sanay naman ako dun. Anyway, andito na rin lang ako sa area kaya kumain na rin ako dito sa IKEA kasi kaninang 7AM pa yung last lamon ko. Namiss ko ‘tong meatballs nila na mas masarap kung may strawberry jam kasi nagtatalo yung tamis, asim nung jam at alat nung meatball at gravy. Kunyari foodie. Pero ang totoo niyan, ito lang kasi ang alam kong kainin. Hindi ko pa kilala yung iba. Saka nalang kapag may kasama na kong kumain dito. In the near 3 lightyears.

Malungkot yung food chart ko kasi walang kape. 6 dirhams yung kape nila against 3 dirhams na tubig. So tubig nalang di ba? Magkakape nalang ako sa bahay. Dapat kasi talaga nagbabaon ng tubig e. Gasino ba naman bumili sa Baqala (parang 711 nila dito) worth 1 dirham di ba? E pero wala na andito na ‘ko e.

Bukod sa gusto ko lang idocument ang pagpunta ko ng IKEA mag-isa, gusto ko lang din ishare ‘tong verse that became a source of encouragement for me today:

Before pa yan, I’m reading Isaiah and part of it is the prophecy of Isaiah to the Israelites. Sandamakmak na kasalanan na yung pinagagagawa ng mga Israelites at galit na talaga si Lord. But amidst all the anger of the Lord to the undeniable sins of His people, He still give hope to them through these verses:

“Come now, let us settle the matter,” says the LORD. “Though your sins are like scarlet, they shall be as white as snow; though they are red as crimson, they shall be like wool. If you are willing and obedient, you will eat the good things of the land; but if you resist and rebel, you will be devoured by the sword.” For the mouth of the LORD has spoken.”

‭‭Isaiah‬ ‭1:18-20‬ ‭NIV‬‬

Then boom! These verses just spoke to my heart. Para kasi kong Israelite sa tigas ng ulo. But these verses calmed my heart and gave me hope. So I prayed and asked the Lord to help me to be a willing and obedient daughter. His promise of good things of the land is a result of putting Him first as my Lord and obeying Him. I am trying my best to be still and remind myself that He is God.

There! I hope that whatever things that caused you to stumble, you will find God willing to help you stand up again and fight.

And when we get a chance, let’s have some coffee together, ha? Ikaw diyan, ako dito. Hehe

Chao! 🙂

Advertisements

11 thoughts on “Solo Travel And Fake Foodie Blogger

  1. HAHAHAHAHA I missed Ikea, sana tayo yung naglakwatsa together, but anyway parang beastmode ka habang nagfofood review ka sa unang part ng post na ito pero kumalma ka na afterwards ha ha ha

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s