The Sunshine Blogger Award

Iba yung saya na dulot ng award, noh? So ito na nga, buti nalang hindi ito inabot ng another 2 years.

Salamat kay Jheff ng Shades of Wanderer sa pagnominate ng blog na ito in no particular order. (Check his post to relate. Haha!) Nakasama ako sa Top 15!

The Sunshine Blogger Award is given to bloggers who are creative, positive, and inspiring. Once nominated, the blogger is required to write a post in which they:

  • Thank the blogger who nominated them and link back to their blog.
  • Answer 11 15 questions asked by the blogger who nominated them.
  • Nominate [at least] 11 other blogs and give them 11 new questions to answer. Let’s skip this part, shall we?

giphy-1

Malalim at marami yung tanong ni Pareng Jheff. Sinubukan kong babawan yung sagot pero dahil medyo pa-deep din yung peg ko, sineryoso ko rin yung ibang tanong. Tagalog din ang format natin today, so kung may stalker akong taga-ibang bansa, pasensya na. Sana mag-work ang Google Translate. (As if naman may stalker?? Haha!) Eto na!

1. Mas pipiliin mo ba ang trabaho na malaki ang sahod pero stressful, o maliit ang sahod pero walang stress?

Trick question ba ‘to? Siyempre gusto ko yung malaki ang sahod pero walang stress. Ay walang ganong option?! Hahaha! Mas gusto ko yung malaki ang sahod pero stressful. Yung stress kasi pwede i-manage pero yung maliit na sahod, hindi. Haha! But really, if I don’t get stressed, it means, bored na ko sa trabaho ko at wala na akong gana. Mas tragic yun para sakin. An idle mind is a devil’s playground. (Naks, may pa-quote pa para kunyari deep.)

2. Dapat ba na ang mag-jowa/mag-asawa alam ang password ng kanya-kanyang Facebook account?

Hindi naman dapat pero ‘matic na kasi dapat yun. Kung asawa kita at hindi mo alam password ko, hindi mo man lang ba tinanong or hindi ka na-curious? For me, shared stuff shows we’re intimate. Ako lang naman yun.

3. Kung may body odor or bad breath ang kaibigan mo, paano mo siya sasabihan nang hindi siya mao-offend? O hindi mo na lang sasabihin sa kanya?

Sasabihin ko, “pre, amoy bakas a… bakas ng kahapon.” Charrrrr!!!! Hahahaha! Most probably, I’ll keep silent in one instance or two pero kung araw-araw, gagamitin ko na yang linyang yan. (Di ko yan original na linya, narinig ko lang din lately sa kaibigan ko. :D)

4. Ano ang iyong kahinaan?

Siya. Charot. I’ve got this annoying habit or trait na kapag nasimulan ko, minsan hindi ko tinatapos. Parang blogging. Minsan lulubog, minsan lilitaw. Parang pagiging disiplinado, madalas, sobrang motivated ko sa unang araw pero in the long run, I can’t keep up na. But I always try to do it again. Parang ngayon. Nagsusulat ako ulit. Laban. Puso. Ganun.

5. Kung galit ka sa isang tao, ano ang dapat niyang gawin para mawala ang galit mo sa kanya?

Isang taimtim na patawad lang, okay na ko. Kung may kasamang chocnut, mas masaya.

6. Ano ang “craziest” thing na nagawa mo sa ngalan ng pag-ibig?

Pumunta ng Dubai. Charot.

7. Ano ang mas masakit na klase ng break-up, yung dahil sa third party? O dahil hindi kayo itinadhana?

Third party. Masakit yung niloko ka at pinagpalit sa iba. Mapapatanong ka ng, “pangit ba ko?” at “kapalit-palit ba ko?”, kahit hindi ka si Liza. Mas masakit kung “oo” yung sagot sa tanong mo.

8. Anong pelikula ang tumatak at nagkaroon ng malaking epekto sayo?

Heneral Luna. First movie na pinanood ko mag-isa. Pwede palang hindi maging boring ang history. Nakakatawa yung atake. Maaring fiction yung ibang part pero nadeliver ng maayos yung mensahe. Mas naapreciate ko yung kalayaan natin bilang isang bansa kasi alam kong hindi biro yung sinakriprisyo nila Heneral Luna at iba pa. Bilang ganti, dapat ay maging responsable akong mamamayan ng bansa.

9. Kung magsusulat ka ng libro na babasahin ng lahat, ano ang mensahe mo sa mundo?

Hindi ko mensahe pero mensahe ni Kristo. His unconditional love for you and for me. The sacrifice of His life to save us from the penalty of sins: eternal death. That He is the only way, the truth and the life, no one comes to the Father except through Him. And His gift of salvation is free to all but is never cheap–it cost His life. There is no greater message that I want to tell the world than His.

10. Sino ang taong nag-iwan ng marka sa buhay mo at bakit?

Tao? Yung isa kong naging kaibigan. Tinuruan niya akong magsinungaling hindi sabihin ng kabuuan ang katotohanan. Tinuruan niya akong maniwala sa sarili ko–na kaya ko at may ibubuga rin ako. Tinuruan niya akong maging kuripot magtabi ng pera para sa sarili ko. Tinuruan niya akong magsalita ng masakit maging totoo. Tinuruan niya akong mangarap ulit. Tapos tinuruan niya akong bumalik sa Diyos. Tinuruan niya akong maghintay at ipagdasal ang isang tao hanggang maintindihan ulit nito yung love na si Lord lang ang pwedeng magbigay. Hindi siya tumigil hangga’t hindi kami ulit okay ni Lord. Napansin kong hindi niya ako tinigilan kamustahin at alalayan hanggang kaya ko na ulit mapag-isa. Alam kong palagi niya akong pinagdarasal. Tapos nung okay na, umalis na siya. It was a struggle at first but it let me fully embrace my dependence on God alone and never to men. People come and go. But God will never leave you nor forsake you. People change but God is the same yesterday, today and forever.

11. Meron ka bang pinagsisisihan sa buhay?

Marami. Pero wala. Gulo noh?

Yung pag-iwan ko sa ex ko. Kung hindi kami nagbreak, edi sana kasal na ko? Pero kung hindi ko naman ginawa yun, hindi siguro ako naging mas matibay at hindi ko natutunan na sa pag-ibig, dapat totoo ka sa sarili mo at sa kanya. Alam mo dapat kung kailan mo dapat ipaglaban at kung kailan ka dapat sumuko. Masaklap lang talaga na sa karera namin, kinailangan ko nang isuko yung “kami.”

Yung pag-alis ko ng bansa, pinagsisihan ko nung una pero kung hindi ko naman ginawa, hindi ko siguro nakilala nang lubos kung sino si Lord sa buhay ko.

Yung pag-alis ko ng company sa Pinas, pinagsisihan ko nung una kasi nakikita ko yung ibang ka-opisina ko na pinapadala sa iba’t-ibang bansa at napopromote na. So kung hindi ako umalis edi sana ako rin ganun? Pero kung hindi naman ako umalis, edi hindi ko natutunan yung mga natutunan ko ngayon? Na malawak pala ang mundo. Na marami palang tao na ibang-iba ang paniniwala at pag-uugali sa akin. At hindi ko rin makikita  at maiintindihan that only God can satisfy lahat ng kulang sa buhay ko. At siya rin yung nagbigay ng meaningful perspective sa lahat ng “sana” ko.

12. Anong legacy ang gusto mong iwan sa mundong ito?

Napakalaki ng mundo. Sa bandang huli, ang pinakamahalaga eh yung pamilya mo. Kahit hindi na sa mundo pero para lang sa pamilya ko, sa magiging asawa ko at sa mga magiging anak ko. Na maipadama ko sa kanila yung tunay na pagmamahal. Na kamahal-mahal sila at hindi kapalit-palit. Na mainlab ako ng todo at totoo kay Kristo and obey Him at all cost and somehow show my husband and children how fun and fulfilling a life with Christ is.

13. Ano ang pinakamahalagang aral ang natutunan mo sa buhay?

Na ang pinakamasakit na pwedeng pagdaanan ng tao sa buong buhay niya ay ang makantuhan sa siko. Sakit nun di’ba? May after-effect pa. Nanunuot sa buto yung sakit. Lol!

Pero sa totoo lang, I learned that our choices and decisions today will affect eternity. “YOLO” and “live now” are just half truth. There’s more to life than this life kaya we should be wise in our decisions. You never know how the future generation will either benefit or suffer because or our decision made today. I pray for the former.

14. Kung may isang bagay na pwede kang baguhin sa iyong nakaraan, ano ito?

Hindi ko kakainin nang isang upuan lahat ng chocolate na kinain ko kahapon. Tapos mamimigay din ako sa iba para lahat kami mataba.

Siguro wala. Masakit magkamali at nakakainis kasi parang hindi ako natututo pero kung ano ako ngayon ay dahil sa aking nakaraan.

15. Saan ka mas naniniwala, sa destiny or sa free will?

I think, napakadangerous kung mamimili ka lang sa dalawa kasi they’re both on the extreme end. Mas naniniwala ako sa balance of both. I know that God is sovereign at may napakaganda siyang plano sa buhay ko. But He gave me the gift of free will that allows me to have preferences. So I get to choose what kind of life to live. And if my life is submitted to His Lordship, my destiny will be fulfilled.

Yun lang mga kaibigan. Salamat at umabot ka dito sa dulo. Kung gusto mo rin sagutin yang interview questions ni Pareng Jheff, you are free to do so. 😀

images-5

Advertisements

7 thoughts on “The Sunshine Blogger Award

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.